Sunday, November 30, 2008

Estratehiya sa Pagtuturo at Pagkatuto

Sa pagpapakitang turo ni Bb. Rebano, natutunan namin ang paggamit ng nursery rhymes o kantang pambata sa pagtuturo at paggamit ng estratehiyang problem solving. Ang paksa ng kanyang itinuro ay ang "Kakulangan ng tubig sa Pilipinas". Ginamit niya ang Jack and Jill, isang nursery rhyme, bilang teaching's tool na may kaugnayan naman sa paksang aralin. Pwede rin itong gamiting bilang paksang aralin. Sa estratehiyang problem solving, ipinapahayag ang mga isyu, kuru-kuro, pagsusuri sa mga datos at solusyon.

Ipinapahayag nito ang isyu sa mga karapatan, pagaabuso, at pagpapalaglag ng mga bata. Maaari rin itong iugnay sa paksa, ang kakulangan ng tubig. Bawat isa ay nagbigay ng opinyon kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkukulang ng tubig ang pilipinas. Pagkatapos, ibinigay rin ang mga dapat gawin upang di magkaroon ng kakulangan sa tubig.

Pagkatapos ng pagpapakitang turo, pinanuod at pinarinig sa amin ang ilang halimbawa ng nursery rhymes na tagalog tulad ng "Masaya kung Sama-sama", "Aregadegadeng", at "Manang Biday."

No comments: