Sunday, November 30, 2008

Estratehiya sa Pagtuturo at Pagkatuto

Sa pagpapakitang turo ni Bb. Rebano, natutunan namin ang paggamit ng nursery rhymes o kantang pambata sa pagtuturo at paggamit ng estratehiyang problem solving. Ang paksa ng kanyang itinuro ay ang "Kakulangan ng tubig sa Pilipinas". Ginamit niya ang Jack and Jill, isang nursery rhyme, bilang teaching's tool na may kaugnayan naman sa paksang aralin. Pwede rin itong gamiting bilang paksang aralin. Sa estratehiyang problem solving, ipinapahayag ang mga isyu, kuru-kuro, pagsusuri sa mga datos at solusyon.

Ipinapahayag nito ang isyu sa mga karapatan, pagaabuso, at pagpapalaglag ng mga bata. Maaari rin itong iugnay sa paksa, ang kakulangan ng tubig. Bawat isa ay nagbigay ng opinyon kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkukulang ng tubig ang pilipinas. Pagkatapos, ibinigay rin ang mga dapat gawin upang di magkaroon ng kakulangan sa tubig.

Pagkatapos ng pagpapakitang turo, pinanuod at pinarinig sa amin ang ilang halimbawa ng nursery rhymes na tagalog tulad ng "Masaya kung Sama-sama", "Aregadegadeng", at "Manang Biday."

Booksale(aktivity)

Nov. 26, 2008




Tuwing huling Mirkules ng buwan ay nagkakaroon ng aktivity. Noong ika-26 ng nobyembre, ipinagdiriwang namin ang "National Book Week". Maraming aktivity ang naganap. Isa na dito ay ang "booksale" o pagbebenta ng mga libro ng education department(BEEd 2, BSEd 2, Beed 3). Bago nagsimula ang aktivity ng iba't ibang departmento, nagkaroon muna ng holymass na pinamunuan ni Padre Felix F. Barela, ang pare ng aming paaralan. Bukod sa pagkakaroon ng pagbobooksale, nagkaroon din ng exhibit ng mga nursery rhymes, mga literary works na ginawa ng mga bikolanong manunulat at nagkaroon ng literary contest gaya ng tigsik wrting, poster making, slogan contest, na ang tema ay "ang Batang palabasa ay Dalubhasa sa Kultura" at nandiyan rin Rawit Dawit. Nasiyahan naman kami sa pagdiriwang na ito dahil unang pagkakataon na gawin namin ang pagbebenta ng mga libro. Bawat row ay may inaatas na oras. Sa umaga, marami na ang bumibili ngunit nang magtagal hanggang sa hapon ay wala nang nakakapansin sa mga ito sapagkat ang lahat ng estudyante ay nasa Student's pavilion at nanunuod ng programa. Ganunpaman, masaya na rin kami dahil marami namang bumili ng mga libro. Nang kami na ang nagbabantay, naririnig namin ang hiyawan ng mga estudyante, nainggit tuloy kami. Masaya na rin kami dahil hindi lang kami kumikita, nakakatulong pa kami sa iba na hindi kayang bumili ng mahal na aklat. kahit luma na ang mga ito at ang iba ay sira sira na ang harapan nito, napakahalaga pa rin. Kapag palabasa ang tao ay maraming alam sapagkat sa pamamin nito. Sabi nga nila, " don't judge the book by it's cover". Hindi mahalaga ang itsura nito kundi ang nilalaman nito na kapupulutan ng aral at maaaring maging inspirasyon para maabot ang mga pangarap.
Mayroon ding dumayo para magbenta ng kanilang mga libro ngunit dahil sa masyadong mahal, ang may pera lang ang nakabili o mga guro.

Saturday, November 22, 2008

Pagpapahalaga sa iba't ibang literatura

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iba't ibang literatura?



Ang aming klase ay hinati sa apat na grupoi. Bawat grupo ay pumili ng literatura. (world lit. phil.lit., child. lit, bicol lit.). Ang aming grupo ay naatasan para sa literaturang bikol (bicol lit.)
Ayon sa aming napagusapan, ang mga paraan ng pagpapahalaga dito ay ang sumusunod:
1. sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga akdang bikol;
2. pagpapakilala ng salitang bikol at kultura sa iba't ibang lugar;
3. paggamit ng salitang sa patalastas sa telebisyon o radio;
4. pagsasadula ng mga akdang bikol;
5. paggamit o paggawa ng tula, kwento o awit gamit ang bikol;
6. pagdalo sa seminar o pagpapseminar. Yan ang mga paraan sa pagpapahalaga
ng literaturang Bikol.

Thursday, November 20, 2008

Isang Trivia at commentaryo sa talakayan

Nov. 20, 2008
Isang trivia mula kay bb. Femia Calpe ay aming nalaman sa araw na ito.
ito'y tungkol sa piunakalumang simbahan o cathedral ng Rome. Ito ay ang Basilica of st. John Lateran. Ang simbahang ito ay tinawag na "ecumenical mother church" dahil ito'y pinakamatandang simbahan ng Rome.

Maiingay na naman ang aking mga kaklase... hindi tuloy kami magkaintindihan at hindi ko maintindihan ang sinasabi ng aming guro. pinagusapan namin ang tungkol sa aktiviting gaganapin sa mirkules... inatasan ang bawat row sa gagawing booksale. Napakagulo ng aming klase... sabi nga ng iba kami ang pinakamaingay sa lahat. Ngunit ako, sumasakit ang aking tinga kapag maiingay sila at hindi ako makapagisip ng maayos..

Saturday, November 15, 2008

Bagay na Mahalaga

Nov. 13,2008
Anong bagay an pinakamahalaga at pinakaiingatan mo?
Bakit? Paano mo ito pinapahalagahan?

Para sa akin, ang pinakamahalagang bagay ay ang mga larawan ng Diyos at ang kanyang mga salita sapagkat siya ang lumikha ng mundo at nagbigay sa atin ng buhay. Kasama na rin an mahal na birhen, ang atin ina at ang kanyang anak na si Jesus. Sa pamamaitan nito mas napapalapit ako sa kanila at napapalayo sa masama.
Mahalaga rin sa akin ang mga bagay na may kinalaman sa aking pamilya at anu mang bagay na ibinigay sa akin gaya ng hikaw , kwintas, singsing at lalung-lalo na ang mga damit..
pinapahalagahan ko ito sa pamamagitan ng paglagay sa tamang lalagyan, paggamit ng may pagiingat at hindi ko ipinagpapalit ng anumang bagay.

Constructive Criticism sa Titser

Nov. 11, 2008

Noong nakaraang oktubre, kami ay nag-enrol para sa second semester. Ang ha...ba haba ng pila, natagalan tuloy kami. Hanggang sa magsimula ang klase marami pa ring nakapila dahil sa mabagal na proseso at dahil sa mga gurong hindi pa nakapagbibigay ng mga gradu sa mga estudyante. At nakakalungkot isipin na maraming guro ang nasisialisan ... siguro dahil sa mababang sahod o kaya dahil sa sakit at ang pumanaw na. Isa na rito ang aming sa asinaturang filipino na si Gng. Elza Durante. Siya'y napakagaling magturo, mabait, at istrikto ngunit hindi maramot sa pagbibigay ng gradu. Ngunit marami ring mga bagong guro ang dumating. Nang magsimula ang klase wala pa rin kaming guro sa literaturang filipino. Nabalitaan namin na kailangan ng magpagamot ng aming guro dahil sa sakit sa kidney.... naaawa kami sa kanya. Ilang araw kaming naghintay para sa bago naming guro hanggang sa dumating an nobyembre.
Ika-11 ng Nobyembre 2008, una namin nakilala ang aming guro na si G. Irvin So Tomas. Siya'y mabait rin ngunit matipid sa pagsasalita at mukhang first time niya magturo... parang nahihiya pa siya sa amin. Nanibago kami sa bago naming guro at hindi maintindihan si sir...siguro nga nahihiya pa siya. Pero sa tingin ko marami siyang nalalaman ngunit di niya lang naipapahayag ng maayos.