Saturday, November 15, 2008

Constructive Criticism sa Titser

Nov. 11, 2008

Noong nakaraang oktubre, kami ay nag-enrol para sa second semester. Ang ha...ba haba ng pila, natagalan tuloy kami. Hanggang sa magsimula ang klase marami pa ring nakapila dahil sa mabagal na proseso at dahil sa mga gurong hindi pa nakapagbibigay ng mga gradu sa mga estudyante. At nakakalungkot isipin na maraming guro ang nasisialisan ... siguro dahil sa mababang sahod o kaya dahil sa sakit at ang pumanaw na. Isa na rito ang aming sa asinaturang filipino na si Gng. Elza Durante. Siya'y napakagaling magturo, mabait, at istrikto ngunit hindi maramot sa pagbibigay ng gradu. Ngunit marami ring mga bagong guro ang dumating. Nang magsimula ang klase wala pa rin kaming guro sa literaturang filipino. Nabalitaan namin na kailangan ng magpagamot ng aming guro dahil sa sakit sa kidney.... naaawa kami sa kanya. Ilang araw kaming naghintay para sa bago naming guro hanggang sa dumating an nobyembre.
Ika-11 ng Nobyembre 2008, una namin nakilala ang aming guro na si G. Irvin So Tomas. Siya'y mabait rin ngunit matipid sa pagsasalita at mukhang first time niya magturo... parang nahihiya pa siya sa amin. Nanibago kami sa bago naming guro at hindi maintindihan si sir...siguro nga nahihiya pa siya. Pero sa tingin ko marami siyang nalalaman ngunit di niya lang naipapahayag ng maayos.

No comments: